Barangay Tanod, kaisa sa paghahanda sa Santakruzan sa Pateros
Patuloy na abala ang ating mga barangay tanod sa paghahanda para sa nalalapit na Santakruzan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga makukulay na banderitas sa iba’t ibang bahagi ng Barangay Aguho, Pateros.
Kasabay nito, nagpapatuloy rin ang pagkakabit ng mga solar lights sa mga iskinita upang mapabuti ang liwanag at seguridad sa ating komunidad, lalo na tuwing gabi.
Samantala, muling nagpapaalala ang barangay sa lahat ng residente na mag-ingat dahil patuloy na tumitindi ang init ng panahon.


Ugaliing uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration at hangga’t maaari ay iwasan ang matagal na pagbibilad sa ilalim ng araw, lalo na sa oras ng matinding init. Pinapayuhan din ang lahat na manatiling alerto laban sa posibleng sunog.
Siguraduhing nakaayos at ligtas ang mga koneksyon ng kuryente, iwasang magsunog ng basura, at agad ireport sa kinauukulan ang anumang senyales ng sunog o panganib sa komunidad.