Nagsagawa ng Community Engagement Activity ang R-PSB Team 1 ng NPD-DMFB sa Brgy. 176-A, Caloocan City

0
733263595_122182246088929577_4376597817826696721_n

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kapayapaan at kaligtasan sa komunidad, matagumpay na nagsagawa ang R-PSB Team 1 ng Northern Police District – District Mobile Force Battalion (NPD-DMFB) ng Community Engagement Activity sa Barangay 176-A, Bagong Silang, Caloocan City.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyal ng barangay, kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga samahang pangkabataan, mga lider ng relihiyon, at iba pang stakeholder ng komunidad. Tinalakay sa programa ang mahahalagang usapin hinggil sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, Executive Order No. 70, Juvenile Justice and Welfare Act o Republic Act No. 9344, drug awareness, at crime prevention.

Bilang pagpapakita ng malasakit at pagpapalakas ng ugnayan sa mamamayan, namahagi rin ang R-PSB Team 1 ng food packs sa humigit-kumulang 200 participants.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at komunidad, patuloy na isinusulong ang isang mapayapa, ligtas, at drug-free na Barangay 176-A.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *