BPATs sumailalim sa Bomb Awareness sa Maguindanao del Norte
Sumailalim sa Bomb Awareness ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) alinsunod ng Project A.B.K.D. sa mga tauhan ng PNP EOD/K9 Group sa Maguindano Del Norte
Sa pamumuno ni PBGEN Rogelio Z. Raymundo Jr., tinalakay ng RECU BAR at Maguindanao del Norte PECU ang bomb awareness, IED recognition, bomb threat response, at emergency protocols upang palakasin ang kakayahan ng mga komunidad sa pagresponde sa banta ng pampasabog.
Layunin ng aktibidad na paigtingin ang seguridad sa antas-barangay sa pamamagitan ng pagbibigay-kaalaman sa mga BPAT bilang unang tagapagtanggol ng komunidad.
Nagtapos ang pagsasanay nang maayos at walang naitalang insidente.