PNP OLCFI Sorsogon PPO Chapter, nagsagawa ng skills training para sa mga pulis at kanilang mga pamilya
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-3 Anibersaryo ng PNP Officers’ Ladies Club Foundation, Inc. (OLCFI) Sorsogon PPO Chapter, matagumpay na nagsagawa ng Skills Training on Siomai and Longganisa Making ang samahan noong Hunyo 28, 2026, sa pakikipagtulungan ng TESDA Sorsogon.
Sa pangunguna ni Mrs. Marlene R. Daniel, Chairperson ng PNP OLCFI Sorsogon PPO Chapter, nilahukan ng mga police personnel at kanilang mga pamilya ang pagsasanay na naglalayong mabigyan sila ng mga praktikal na kasanayan na maaaring magsilbing alternatibo o karagdagang mapagkukunan ng kabuhayan.
Ang aktibidad ay kaakibat ng patuloy na pagsuporta ng Police Regional Office 5 (PRO 5), sa pamumuno ni PBGEN Erosito N. Miranda, sa PNP Focused Agenda, partikular sa pagpapalakas ng Personnel Morale and Welfare at Community Support sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay ng oportunidad para sa pag-unlad ng kakayahan at kabuhayan ng mga kapulisan at kanilang mga dependents.
Nagbigay ng teknikal na pagsasanay at mahahalagang kaalaman ang TESDA Sorsogon sa pangunguna nina Mr. Ivan Jay R. Verano, TESDA Specialist II, at Ms. Rhea G. Polo, TESDA Trainer, na gumabay sa mga kalahok sa wastong paggawa ng siomai at longganisa bilang potensyal na pangkabuhayang proyekto.
Sa pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng PNP OLCFI Sorsogon PPO Chapter, muling pinagtibay ng organisasyon ang pangako nitong magsulong ng mga makabuluhang programa para sa kapakanan, kakayahan, at kabuhayan ng mga police personnel at kanilang pamilya sa pamamagitan ng matatag na ugnayan at pakikipagtulungan sa iba’t ibang partner agencies.
Patuloy na isinusulong ng PRO 5 ang mga programang nagbibigay-lakas sa bawat miyembro ng organisasyon at kanilang pamilya, bilang pagkilala na ang isang maayos at matatag na tahanan ay mahalagang pundasyon ng isang epektibong hanay.