ZN 2nd PMFC, Naglunsad ng Dialogue, Second Wave of Lakatan Seedling Distribution at Planting Activity sa Gutalac, Zamboanga del Norte
Naglunsad ang Zamboanga del Norte 2nd Provincial Mobile Force Company (ZN 2nd PMFC) at Regional Public Safety Battalion (R-PSB) Team ng isang dialogue upang talakayin ang mga kasalukuyang programa, mga isyung kinahaharap, at iba pang usaping may kaugnayan sa pag-unlad ng komunidad. Sa pamumuno ni PLTCOL Edwin D. Verzon, Force Commander, at sa pakikipagtulungan sa Cocob ALSA MASA Farmer’s Association, sa Barangay Cocob, Gutalac noong Hunyo 28.

Kasunod nito, isinagawa ang Second Wave of Lakatan Seedling Distribution and Planting Activity bilang bahagi ng pagsuporta sa napapanatiling pagsasaka, pagpapalakas ng seguridad sa pagkain, at paglikha ng karagdagang kabuhayan para sa mga lokal na magsasaka.

Ayon sa Police Regional Office 9, ang naturang aktibidad ay nagpapakita ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga programang nagtataguyod ng kapayapaan, kaunlaran, at mas matibay na ugnayan sa pagitan ng pulisya at mamamayan.