Oplan Galugad, Isinagawa ng Santa Rosa CPS sa Brgy. Balibago
Nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Santa Rosa Component City Police Station bandang alas-10:00 ng gabi sa iba’t ibang lugar sa Barangay Balibago, Lungsod ng Santa Rosa, Laguna.

Pinangunahan ni PLT Carlito Abellera, Duty Officer of the Day, kasama ang City Marshal, Public Order and Safety Office (POSO), at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), ang operasyon sa Amar Village, St. Francis 14, Sitio Marasigan, at Sitio Las Vegas.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL John Paolo V. Carracedo, Officer-in-Charge ng Santa Rosa Component City Police Station, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng pulisya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, mapigilan ang kriminalidad, at matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa komunidad.