R-PSB ng Northern Samar, Nagkaloob ng mga mesa at upuan sa Day Care Center ng Brgy. Manaybanay
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng serbisyong pangkomunidad, nagkaloob ang Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Team ng Barangay Manaybanay ng mga mesa at upuan sa Day Care Center ng Brgy. Manaybanay, Mapanas, Northern Samar.
Pinangunahan ni PCPT Cleto J. Gler ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL George B. Buyacao, Provincial Director ng Northern Samar Police Provincial Office (NSPPO).

Layunin ng donasyong ito na matugunan ang kakulangan sa mga kasangkapang pangklase at makapagbigay ng mas maayos, komportable, at angkop na kapaligiran sa pagkatuto ng mga batang mag-aaral sa day care center.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, muling ipinakita ng R-PSB Team ang kanilang malasakit sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataan, kasabay ng patuloy na pagpapatibay ng ugnayan ng kapulisan at komunidad tungo sa isang mas ligtas at maunlad na barangay.