Oplan “PAHIYOM”, Isinagawa sa Vallehermoso bilang bahagi ng Ika-31 PCR Month

0
Screenshot-2026-07-02-221336

Nagsagawa ng Oplan “PAHIYOM” ang mga tauhan ng Northern Negros Oriental Police Mobile Force Company (NorPMDT) sa pakikipag-ugnayan sa Vallehermoso Municipal Police Station (MPS) bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations (PCR) Month.

Pinangunahan ni PCPT Rex S. Dela Cruz, Team Leader ng NorPMDT, katuwang si PCPT Donicko B. Angeles, Officer-in-Charge ng Vallehermoso MPS, ang aktibidad na ginanap sa himpilan ng Vallehermoso MPS sa Vallehermoso, Negros Oriental.

Sa pamamagitan ng Oplan “PAHIYOM,” naghatid ng ngiti at malasakit ang kapulisan sa komunidad, kasabay ng pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng pulisya at mamamayan. Bahagi rin ito ng patuloy na pagsusulong ng Philippine National Police ng mga programang nakatuon sa serbisyong may malasakit at mas matibay na pakikipagtulungan sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *