BPATs, nakiisa sa checkpoint sa Calumpang Lejos
Nagsagawa ng PNP Checkpoint ang mga tauhan ng Indang Municipal Police Station sa pamumuno ni PCPT Judito Baligod, Deputy Chief of Police, katuwang ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at mga Barangay Tanod, noong Hulyo 12, 2026, bandang 4:13 ng hapon sa Brgy. Calumpang Lejos, Indang, Cavite.
Isinagawa ang checkpoint bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police laban sa kriminalidad. Layunin nitong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, mapigilan ang pagpasok at paggalaw ng mga taong sangkot sa ilegal na gawain, at matiyak ang kaligtasan ng mga residente at mga motorista sa nasabing lugar.

Patuloy na hinihikayat ng Indang Municipal Police Station ang pakikipagtulungan ng publiko sa mga programang pangseguridad upang higit pang mapalakas ang seguridad sa komunidad, alinsunod sa adbokasiyang .
“Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”