BPATs, Kaagapay ng kapulisan sa pagpapanatili ng seguridad sa Pandacan, Manila
Nagsagawa ng Barangay Visitation, Oplan Galugad, at Foot Patrol ang mga tauhan ng Pandacan Police Station (PS-10), katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), sa Barangay 838, Pandacan, Manila, sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Amor C. Cerillo, Station Commander. Pinangunahan ang naturang operasyon ni PEMS Oliver Cumti.
Layunin ng operasyon na palakasin ang kampanya laban sa kriminalidad sa pamamagitan ng mas pinaigting na police visibility at pakikipag-ugnayan sa komunidad. Kasabay nito, pinaalalahanan, binigyang-kaalaman, at ipinaunawa sa mga residente ang mga umiiral na ordinansa ng Lungsod ng Maynila at ang mga ipinagbabawal na gawain upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa kanilang lugar.

Patuloy na hinihikayat ng Manila Police District ang pakikiisa ng publiko sa pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na komunidad sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtulungan sa mga awtoridad at pagsunod sa mga umiiral na batas at ordinansa.