RPSB at LGU, nagkaisa para sa Medical Mission at Outreach Program sa Parañaque City
Nagkaisa ang Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles, Southern Tagalog Region XII, PNP Revitalized-Pulis sa Barangay, at Parañaque City Health Office sa pagsasagawa ng isang Medical Mission at Outreach Program bilang bahagi ng kanilang patuloy na paglilingkod sa komunidad.
Sa pamamagitan ng naturang programa, nailapit sa mga residente ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan, tulong, at iba pang uri ng suporta, kasabay ng pagpapakita ng malasakit at pagkalinga sa mga mamamayan.

Patuloy na isinusulong ng mga katuwang na organisasyon ang pagtutulungan at pagkakaisa upang maihatid ang serbisyong may malasakit at makatulong sa pagpapaunlad ng kalusugan at kapakanan ng komunidad.