BPATs at kapulisan, nagkaisa sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa paaralan sa Morong, Rizal
Nagkaisa ang Barangay Peece-keeping Action Team (BPATs) at Morong PNP sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga paaralan ng LCCL National High School at Morong National High School, Morong, Rizal nito lamang Agosto 3, 2026.
Ito ang direktang tugon ng BPATs at kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang anumang insidente ng karahasan sa loob ng paaralan. Hinikayat din ng kapulisan na iwasan ang bullying at irespeto ang paniniwala ng bawat mag-aaral upang maiwasan na magkaroon ng sakitan, gulo at agad itawag sa kapulisan ang anumang uri ng problema upang mapag-usapan nang maayos tungo sa pagkamit ng kaunlaran.
