Mandaluyong CPS, Nagsagawa ng Community Outreach Feeding Program
Nakibahagi at nagbigay ng suporta ang Mandaluyong City Police Station sa isinagawang Community Outreach Feeding Program na pinangunahan ng Tau Gamma Phi Fraternity – Block 39 Chapter noong Agosto 2, 2026, dakong alas-10:00 ng umaga sa Block 39, Addition Hills, Mandaluyong City.
Sa pangunguna ni PCOL Reynan V. Patam, Chief of Police, sa pamamagitan ng mga tauhan ng Station Community Affairs and Development Section (SCADS) na pinamumunuan ni PCPT Julius M. Tallongan, Chief, SCADS, naging bahagi ang kapulisan sa naturang aktibidad na naglalayong maghatid ng tulong, malasakit, at pag-asa sa mga miyembro ng komunidad, partikular na sa mga bata at pamilyang nangangailangan.

Binigyang-diin ng aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng Philippine National Police at mga katuwang na sektor ng komunidad sa pagsusulong ng malasakit, pagkakaisa, at pananagutang panlipunan. Patuloy namang isinusulong ng Mandaluyong City Police Station ang pagpapatatag ng ugnayan ng pulisya at mamamayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang programang pangkomunidad tungo sa isang mas ligtas, maalaga, at matatag na pamayanan.