Drug Symposium, isinagawa para sa mag-aaral ng Subangdaku, Cebu City

0
viber_image_2026-08-04_16-48-09-715

Nagsagawa ang mga tauhan ng Police Station 2, Mandaue City Police Office, sa pangunguna ni PSMS Hannah Lyn Milan, WCPD PNCO, ng Drug Symposium sa mga mag-aaral ng Subangdaku Elementary School, Brgy. Subangdaku, Mandaue City noong Agosto 3, 2026.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMaj Noel L Lungcob, Officer-in-Charge ng Police Station 2, Mandaue City Police Office, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng PNP laban sa ilegal na droga at sa pagpigil sa krimen.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa masasamang epekto ng ilegal na droga at hikayatin silang maging responsable at masunurin sa batas.

Namahagi rin ng mga IEC materials bilang suporta sa kampanya ng Philippine National Police (PNP) upang mapanatili ang isang ligtas, mapayapa, at drug-free na pamayanan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BgnQWtCB2/
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *