R-PSB Sta. Maria at mga residente, nagkaisa sa pagtatayo ng barangay outpost sa Mobo, Masbate
Nagtulungan ang mga tauhan ng Masbate 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB) Team Sta. Maria, mga opisyal ng Barangay Sta. Maria, at mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Institutions (BPKIs) sa pagtatayo ng isang barangay outpost sa Brgy. Sta. Maria, Mobo, Masbate noong Agosto 3, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng kapulisan at komunidad.
Ang proyekto ay isinagawa upang magkaroon ng isang ligtas at maayos na pasilidad na magsisilbing sentro ng koordinasyon ng R-PSB Team, mga opisyal ng barangay, at BPKIs sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Inaasahan ding magsisilbi itong himpilan para sa mas pinaigting na police visibility, pagtanggap ng mga ulat mula sa mga residente, at mas mabilis na pagtugon sa mga insidente at iba pang pangangailangan ng komunidad.
Naging posible ang pagsisimula ng proyekto sa pamamagitan ng donasyon ng mga construction materials mula kay Hon. Elesio Lupango, Punong Barangay ng Sta. Maria. Ang kanyang suporta ay nagpapakita ng matatag na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng kapulisan sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa barangay.
Patunay ang inisyatibong ito sa patuloy na pagpapatupad ng Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB) Program, na naglalayong ilapit ang serbisyo ng kapulisan sa mamamayan, palakasin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad, at hikayatin ang aktibong pakikilahok ng bawat residente sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.
Source:
https://www.facebook.com/share/1BC927QyQi/
Sa panulat ni: PCpl Doxie Charesse C Casasos