Theoretical driving course, isinagawa para sa mga habal-habal drivers sa Mobo, Masbate

0
viber_image_2026-08-08_12-59-13-924

Matagumay na naisagawa ng Masbate 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa pamamagitan ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Sta. Maria, sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office (LTO) Masbate, ang Theoretical Driving Course (TDC) para sa mga miyembro ng Habal-Habal Association sa Barangay Sta. Maria, Mobo, Masbate noong Agosto 6, 2026.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga kalahok hinggil sa tamang pagmamaneho at pagsunod sa mga batas at regulasyon sa kalsada. Binigyang-diin sa programa ang kahalagahan ng pagiging responsable at maingat upang mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista, pasahero, at iba pang road users.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang mga pangunahing batas trapiko, road safety, defensive driving, at responsableng pagmamaneho. Sa pamamagitan ng pagsasanay, nabigyan ang mga kalahok ng mahahalagang kaalaman na makatutulong upang maging mas ligtas, disiplinado, at maingat sa kanilang araw-araw na pagmamaneho.

Patuloy na isinusulong ng Masbate 1st PMFC/R-PSB Team Sta. Maria, katuwang ang mga concerned government agencies, ang mga programang nakatuon sa kaligtasan at kapakanan ng komunidad. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, layunin nitong makapagtaguyod ng ligtas, responsable, at disiplinadong pagmamaneho tungo sa mas ligtas na mga lansangan at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *