1st LUPMFC, nagsagawa ng community outreach program sa Bauang, La Union

0
Screenshot-2026-08-10-192208

Nagsagawa ang 1st La Union Provincial Mobile Force Company (1st LUPMFC), sa pamumuno ni PMaj Ricardo C. Serrano Jr., Acting Force Commander, ng community outreach program sa Barangay Sta. Monica, Bauang, La Union.

Sa pakikipagtulungan ng Justified Cut, isinagawa ang aktibidad na may temang “Bukol and Sugat Mission: Beyond Beauty,” na naglalayong makapaghatid ng libreng serbisyong medikal sa mga residente. Kabilang dito ang pamamahagi ng mga gamot, bitamina at iba pang medical supplies para sa mga nangangailangan.

Nagsagawa rin ng community feeding program kung saan namahagi ng mainit na pagkain at food packs sa mga pamilyang nangangailangan bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Layunin ng programa na mailapit sa komunidad ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan at higit pang mapalakas ang ugnayan at tiwala sa pagitan ng pulisya at mamamayan sa pamamagitan ng makabuluhan at malasakit na paglilingkod.

Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na isinusulong ng 1st LUPMFC ang adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” bilang pagpapakita ng dedikasyon sa maagap, tapat at makataong serbisyo para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *