Coastal Clean-Up Activity, tulong-tulong na isinakatuparan sa Siquijor
Tulong-tulong na isinakatuparan ng mga awtoridad ang Coastal Clean-Up Activity sa baybaying bahagi ng Barangay Poblacion, Siquijor, Siquijor, nito lamang August 13, 2026.
Nakiisa sa nasabing aktibidad ang Siquijor PNP sa pamumuno ni PCol Mark Anthony M Andrade, Provincial Director ng SPPO; kasama si LTJG Riza T. Geneblaza, Station Commander ng Coast Guard Station (CGS) Siquijor; Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni FCINSP Marlon K Chomling; kasama ang mga Caretaker, at mga Barangay Officials ng Barangay Poblacion.
Matapos ang aktibidad, matagumpay na nakalikom ang grupo ng tinayayang aabot sa 15 sako ng mga waste materials mula sa nasabing coastal area.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa at sama-samang hangarin na magkaroon ng malinis na mga dalampasigan, mas nabibigyang pansin ang kahalagahan ng environmental stewardship, proper waste management at ang pagpapanatili ng kaayusan at pagsiguro na maproteksyonan ang mga coastal resources ng buong isla ng Siquijor.