Mga Prosecutor, katuwang ng Cagayan PNP sa pagpapatibay ng wasto at makatarungang pagpapatupad ng batas

0
sdxccc

Matagumpay na isinagawa ang Dialogue with Prosecutors sa Cagayano Cops Multi-Purpose Hall, Provincial Headquarters, Cagayan PPO noong Agosto 14, 2026, na naglalayong higit pang palakasin ang ugnayan at koordinasyon ng mga prosecutor at kapulisan sa pagpapatupad ng batas.

Pinangunahan ni PCol Mardito G. Anguluan, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, ang aktibidad na nilahukan ng mga Provincial Prosecutor sa pamumuno ni PROS Ronnel B. Nicolas, kasama ang mga Chiefs of Police, senior investigators, WCPD personnel, at iba pang tauhan ng CPPO, AFC, 1st at 2nd PMFC.

Tinalakay sa dialogue ang mahahalagang batas at legal concerns na may kaugnayan sa police operations, kabilang ang PD No. 1602, RA No. 9344, mga usapin sa Gender-Based Violence, RA No. 6451, at PD No. 705.

Nagkaroon din ng talakayan at open forum hinggil sa mga aktuwal na legal concerns, case handling, at wastong proseso mula sa intelligence gathering, arrest, seizure, investigation, documentation, hanggang sa paghahain ng kaso.

Layunin ng aktibidad na higit pang mapatatag ang koordinasyon ng kapulisan at mga prosecutor upang matiyak ang maayos, legal, at wastong paghawak sa mga operasyon at kaso. Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalitan ng kaalaman at karanasan, pinagtitibay ang sama-samang pagsisikap tungo sa mas mahusay na pagpapatupad ng batas at paghahatid ng makatarungang serbisyo sa mamamayan.

Source: PNP Cagayan Police Provincial Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *