BPATs, nakiisa Oplan Galugad sa Pulilan, Bulacan
Nakiisa ang Barangay Peace-keeping Action Team sa isinagawang Oplan Galugad ng mga otoridad sa Brgy. Inaon,, Pulilan, Bulacan nito lamang gabi ng Lunes, Agosto 17, 2026.
Sa pamamagitan ng JBM (Joint Police and Barangay Mobilization) Patrol System, mas napapalakas ang ugnayan ng kapulisan at barangay sa pagpapanatili ng kaayusan, maagap na pagtugon sa mga suliranin sa komunidad, at pagpigil sa anumang uri ng kriminalidad.
Layunin ng programang ito na mapalapit ang serbisyo ng pulisya sa mamamayan at matiyak na ligtas, mapayapa, at maayos ang bawat pamayanan sa Pulilan.

