Barangay Tanod at Kapulisan, sanib-pwersa sa pagbibigay seguridad sa Fiesta sa San Fernando, Bukidnon

0
FB_IMG_1787370870408

Sanib-pwersa ang Barangay Tanod at Kapulisan sa pagbibigay ng seguridad sa pagdiriwang ng pista sa Sitio Palao, Barangay Mabuhay, San Fernando, Bukidnon nito lamang Agosto 19, 2026.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCPT GREGORIO M. DAGUNO III, DECOP ng San Fernando Municipal Police Station, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMAJ ARNOLD D. FORMENTO, Officer-In-Charge, at nakipag-ugnayan ang mga pulis sa Barangay Council at Barangay Tanods at pinanatili ang presensya sa buong aktibidad upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga dumalo, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, at maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na insidente.

Naging maayos at mapayapa ang buong aktibidad, na nakatulong upang maging ligtas, maayos, at matagumpay ang pagdiriwang ng pista na dahilan upang mas maging malapit ang ugnayan ng pulisya at komunidad tungo sa pagkamit ng isang payapa at maunlad na bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *