PAGPTD, pinagtitibay ang kooperasyon para sa Police Transformation and Development
Pinagtibay ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) ang kanilang pagtutulungan sa isinagawang pagpupulong noong Agosto 20, 2026 sa Kabalikat Visitors’ Lounge, Camp Tirso H. Gador, Tuguegarao City, Cagayan.
Dumalo sa pagpupulong ang Cagayan Police Provincial Office sa pangunguna ni PLtCol Sherwin F. Cuntapay, Deputy Provincial Director for Administration (DPDA), kasama ang mga miyembro ng PAGPTD.
Pinangunahan naman ang pagpupulong ni Associate Justice Raymond Reynold R. Lauigan, Chairperson, at pinangasiwaan ng Provincial Police Strategic Management Unit (PPSMU).
Tinalakay sa pagpupulong ang mga update hinggil sa mga iminungkahing proyekto at aktibidad ng mga miyembro mula sa kani-kanilang sektor, gayundin ang iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa mga programa ng PAGPTD.
Sa pamamagitan ng regular na pagpupulong at pagpapalitan ng mga mungkahi, patuloy na pinatitibay ng Cagayan PPO at PAGPTD ang ugnayan at pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang suportahan ang mga hakbangin tungo sa police transformation, organizational development, at higit na mahusay na serbisyo publiko.
Source: PNP Cagayan Police Provincial Office