Community clean-up drive, isinagawa ng Lagawe MPS, LGU at barangay officials sa Poblacion East
Nagsagawa ng community clean-up drive ang mga tauhan ng Lagawe Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PSMS Roldan P. Palaguitang, kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at mga opisyal ng Barangays Poblacion East at Poblacion North, sa Barangay Poblacion East, Lagawe, Ifugao noong Agosto 19, 2026.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan, maisulong ang wastong pamamahala ng basura, at mapalakas ang pakikilahok ng komunidad sa pagpapanatili ng maayos na kapaligiran.
Naging pagkakataon din ito upang higit na mapagtibay ang koordinasyon at pagtutulungan ng kapulisan, mga tanggapan ng pamahalaan, at mga barangay para sa isang malinis, ligtas, at maayos na pamayanan.
Ipinakita ng naturang inisyatiba ang patuloy na pakikibahagi ng Lagawe MPS sa mga gawaing nakatuon sa kapakanan ng komunidad tungo sa mas ligtas, malinis, at nagkakaisang Bagong Pilipinas. Source: PNP Lagawe MPS