Digital skills ng mga frontliner sa Barangay Sta. Maria, Mobo, Masbate, pinalalakas
Patuloy na isinusulong ng R-PSB Team Sta. Maria, sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Masbate, ang pagpapalakas ng digital skills ng mga barangay frontliners sa pamamagitan ng mga capacity-building activity.
Noong Agosto 18–20, 2026, matagumpay na isinagawa ang 3-Day Digital Literacy Training kaugnay sa MS Productivity Tools sa Barangay Sta. Maria, Mobo, Masbate, na dinaluhan ng 16 na kalahok na binubuo ng mga Barangay Officials, Barangay Tanods, at Barangay Health Workers.
Sa ikalawang araw ng pagsasanay, isinagawa ang mga lecture, demonstration, at hands-on activities upang higit na mapaunlad ang kanilang kaalaman at praktikal na kasanayan sa paggamit ng Microsoft productivity tools para sa documentation, data management, digital communication, reporting, at iba pang mahahalagang gawain sa barangay.
Layunin ng aktibidad na maging mas episyente at mahusay ang mga community frontliners sa paggamit ng makabagong teknolohiya, mapalakas ang kanilang kakayahan sa paghahatid ng serbisyo, at mapagtibay ang ugnayan ng R-PSB Program at komunidad tungo sa isang mas digitally ready, mahusay, at responsableng barangay.