Bomb Awareness at Anti-Bullying Lecture, isinagawa sa Ubalde Elementary School
Bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa mga paaralan at komunidad,
Isinagawa ang school lecture ng mga tauhan ng Police Station 18 – Bajada tungkol sa Bomb Awareness at Anti-Bullying Lecture sa mag-aaral ng Ubalde Elementary School, Davao City nito lamang Agosto 20, 2026.
Ito ay pinangunahan ni PSSg Errol L. Lim, SCAD PNCO, kasama ang PSFTP Class 2025 at RMC Interns (OJT) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Marc Anthony C. Egos, Station Commander.


Nakatuon ang aktibidad sa Bomb Awareness at Anti-Bullying, kung saan binigyan ang mga mag-aaral ng mahahalagang kaalaman tungkol sa pagkilala at tamang pagtugon sa mga kahina-hinalang pakete o bagay. Binigyang-diin ng mga tauhan ng pulisya na agad ipagbigay-alam sa guro, school authorities, o pulisya ang anumang kahina-hinalang bagay at hindi ito dapat hawakan, ilipat, o lapitan.
Tinalakay rin sa lecture ang iba’t ibang anyo ng bullying at ang maaaring maging epekto nito sa mga biktima. Hinikayat ang mga mag-aaral na pairalin ang paggalang, kabutihan, at responsableng pakikitungo sa kanilang mga kapwa estudyante, gayundin ang agarang pagsumbong sa guro, magulang, o pinagkakatiwalaang nakatatanda kapag nakaranas o nakasaksi ng bullying.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng school community hinggil sa kaligtasan at seguridad, mapanatili ang isang mapayapa at child-friendly na learning environment, at mapalakas ang ugnayan ng pulisya at komunidad upang makatulong sa pag-iwas sa mga insidente sa loob at paligid ng paaralan.