Pasay City Police, naghatid ng tulong sa mga biktima ng sunog
Nagsagawa ng Community Outreach and Relief Operation ang Pasay City Police sa pamamagitan ng Station Community Affairs Section noong Agosto 22, 2026, dakong alas-1:04 ng hapon, sa Padre Zamora Elementary School, Zamora Street, Barangay 102, Pasay City.
Pinangunahan ang aktibidad ni PLT Leo D. Aguila, Officer-in-Charge ng Station Community Affairs Section, sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Joselito M. De Sesto, Chief of Police, katuwang ang Project H.E.R.O. (Helping with Empathy in Reforming Others). Isinagawa ito sa pakikipag-ugnayan sa Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD) at mga opisyal ng Barangays 106 at 107.

Namahagi ang mga katuwang na grupo ng grocery packs, kumot, hygiene kits, at tsinelas para sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Barangays 106 at 107. Layunin ng programa na makatulong sa agarang pangangailangan ng mga biktima at maipadama ang malasakit at suporta ng kapulisan at kanilang mga katuwang sa komunidad.
Sa pamamagitan ng naturang inisyatiba, higit na napalakas ang ugnayan ng pulisya at mamamayan, kasabay ng patuloy na pagsusulong ng community engagement, malasakit, at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng komunidad.