KKDAT, nakiisa sa drug awareness symposium ng Pinamungajan PNP
Nakiisa ang mga kasapi ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawa Drug Awareness Symposium ng Pinamungajan MPS sa Anislag Covered Court, Brgy. Anislag, Pinamungajan, Cebu noong August 22, 2026.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Michael John J Bañes, Ofricer-in-Charge ng Pinamungajan MPS, naging bahagi ng programa ang talakayan tungkol sa panganib ng ilegal na droga, mga uri nito, mga batas laban sa droga, at epekto ng pag-abuso sa droga sa indibidwal at komunidad.
Nagbahagi rin ng kaalaman ang mga lider ng KKDAT tungkol sa mga dahilan ng pag-abuso sa droga, mga palatandaan nito, at kahalagahan ng maagang pag-iwas at interbensyon.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan at pakikilahok ng kabataan sa paglaban sa ilegal na droga at pagpapanatili ng ligtas at maayos na pamayanan.