RMFB1 at komunidad, nagkaisa sa coastal clean-up drive sa Infanta
Nagkaisa ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) 105th Maneuver Company, sa pangunguna ni PCpt Chris Esson A. Soriano, Acting Company Commander, kasama ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Infanta, mga force multipliers, lokal na pamahalaan, at iba pang community stakeholders sa isinagawang Coastal Clean-Up Drive sa Infanta. Bukod sa pakikilahok sa paglilinis ng baybayin, naglaan din ng area security ang mga police personnel upang matiyak ang ligtas at maayos na daloy ng aktibidad.
Ipinakita ng sama-samang pagkilos ng PNP, lokal na pamahalaan, at komunidad ang kahalagahan ng matibay na partnership sa pagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan at public safety. Ang aktibong pakikibahagi ng mga police personnel sa mga gawaing pangkomunidad ay nagpapalakas sa ugnayan at pagtutulungan ng kapulisan at mamamayan tungo sa isang mas malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran.

Patuloy na susuporta ang RMFB1 sa mga community-based initiatives na nagtataguyod ng environmental protection, public safety, at pagkakaisa ng mga stakeholder. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PNP at komunidad, higit na napapalakas ang sama-samang pananagutan sa pangangalaga ng mga baybayin at likas na yaman para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon.
Source: PNP 105th MC, RMFB1