LTO Two-Day Caravan, inilunsad sa Esperanza, Masbate

0
sassssd

Matagumpay na inilunsad ng mga awtoridad ang LTO Two-Day Caravan sa Barangay Damorog sa bayan ng Esperanza, Masbate kamakailan lamang.

Isinagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng R-PSB Team Domorog sa Land Transportation Office (LTO) upang maglunsad ng Theoretical Driving Course (TDC) Seminar at Medical Examination para sa mga Student Permit at Driver’s License Renewal.

Aabot sa 119 indibidwal ang nakabenepisyo kabilang na rito ang mga residente mula sa Brgy. Domorog, Brgy. Baras, Brgy. Naoco (Placer), Brgy. Guadalupe, Brgy. Sorosimbahan, at Esperanza Poblacion.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga awtoridad sa pagbibigay ng suporta sa pangangailangan ng komunidad naging posible ang nasabing programa na tiyak na nakakatulong sa mga residenteng dumalo sa aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *