DOH, katuwang ng PRO2 sa pagsusulong ng Healthy Workplace Program

0
viber_image_2026-08-28_12-14-02-078

Pinagtibay ng Police Regional Office 2 (PRO2), sa pangunguna ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director, ang commitment nito sa pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Department of Health (DOH) Healthy Workplace Program noong Agosto 24, 2026.

Tinalakay ng mga tauhan ng DOH ang Healthy Workplace Program at ang Self-Assessment Indicators nito, na naglalayong gabayan ang PRO2 sa pagpapatupad ng mga workplace practices na nagsusulong ng ligtas, malusog, at supportive na kapaligiran sa trabaho.

Bahagi rin ng aktibidad ang turnover ng mga provisional items, kabilang ang First Aid Kits at Healthy Habit Posters, na magsisilbing suporta sa pagsusulong ng malusog na gawi at pagpapanatili ng wellness sa hanay ng mga tauhan ng PRO2.

Binigyang-diin ni PBGen Rodriguez ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog at supportive na workplace, dahil ang kapakanan ng police personnel ay may direktang epekto sa kanilang kahandaan at pagiging epektibo sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo publiko.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa DOH, patuloy na pinaiigting ng PRO2 ang mga programa para sa mas malusog na police force at mas maayos na working environment para sa mga tauhan nito.

Source: Police Regional Office 2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *