4th MFP at Barangay Rapuli, nagtanim ng 100 punong Narra sa Sta. Ana, Cagayan

0
viber_image_2026-08-28_12-13-58-365

Nagsagawa ang mga tauhan ng 4th Mobile Force Platoon (MFP), 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (CPMFC), sa pangunguna ni PCMS Anatoly Viloria, PCR PNCO, katuwang ang mga opisyal ng Barangay Rapuli sa pamumuno ni Brgy. Captain Dotherty Viloria, ng Tree Planting Activity sa Barangay Rapuli, Sta. Ana, Cagayan noong Agosto 26, 2026, ganap na alas-7:00 ng umaga.

Sa nasabing aktibidad, kabuuang 100 punong narra ang matagumpay na naitanim bilang bahagi ng pagsusulong ng isang luntian, malinis, at climate-ready na komunidad. Layunin din nitong makatulong sa pag-iwas sa pagguho ng lupa at mapangalagaan ang kalikasan at likas na yaman.

Bukod dito, nagsilbi ang aktibidad bilang paraan upang mapalakas ang kamalayan at pakikiisa ng komunidad sa mga programang nagtataguyod ng pangangalaga sa kapaligiran. Isinagawa rin ito bilang suporta sa Enhanced National Greening Program (ENGP) ng Pamahalaan at pagpapakita ng pangunahing pagpapahalaga ng PNP na “Makakalikasan.”

Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng kapulisan at komunidad, naipapakita ang sama-samang pagkilos tungo sa pangangalaga ng kalikasan at pagtataguyod ng isang mas ligtas, luntian, at sustenableng kinabukasan.

Source: PNP 2nd Cagayan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *