National Crime Prevention Seminar at Purok Leaders’ Summit 2026, idinaos sa GenSan
Idinaos ang National Crime Prevention Seminar at Purok Leaders’ Summit 2026 noong Setyembre 2, 2026 sa Horizon Suites and Arcade, Isabella Hall, Barangay San Isidro, General Santos City.
Ito ay naglalayong palakasin ang partisipasyon ng komunidad sa pagpigil sa krimen at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Ang aktibidad na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa kapulisan, lokal na pamahalaan, NAPOLCOM, PDEA, at mga lider ng purok.
Nagbigay rin ng mensahe sina PBGEN ALAN B MANIBOG, Regional Director ng Police Regional Office 12; HON. LORELIE G PACQUIAO, City Mayor ng General Santos City; ATTY. RANDY F BABAO, Regional Director ng NAPOLCOM XII; at IAV CHARLEMAINE KAROL M TANG, Provincial Officer ng PDEA SarGen.

Binigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan, law enforcement agencies, at mga komunidad upang maiwasan ang krimen at mapanatili ang kaligtasan sa mga barangay.
Tampok sa aktibidad ang Ceremonial Distribution of Whistles at Whistle Blowing, na pinangunahan ni ATTY. IRELAN B DITCHON, Attorney V/City Officer ng NAPOLCOM XII General Santos City Office.
Sumisimbolo ang naturang seremonya sa aktibong papel ng mga Purok Leader sa pagbabantay, agarang pag-uulat ng mga insidente, at pagtulong sa pagpapanatili ng peace and order sa kanilang mga komunidad.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Pacquiao sa mga kalahok sa kanilang patuloy na pakikiisa at suporta sa mga programa para sa kapayapaan, kaligtasan, at seguridad ng lungsod.