Coastal Clean-up Drive, isinagawa para sa luntiang Pangasinan
Isinagawa ang Coastal Clean-up Drive sa Barangay Petal, Dasol, Pangasinan, na nilahukan ng mga tauhan ng 105th Maneuver Company (MC), Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1), sa pangunguna ni PCpt Chris Esson A. Soriano, ACC, kasama ang Municipal Administration Office of Dasol, mga TUPAD beneficiaries, at mga lokal na opisyal ng barangay.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng baybayin at maisulong ang sama-samang pangangalaga sa kapaligiran.
Sa pamamagitan ng aktibidad, naipakita ang mahalagang papel ng police-community partnership sa pagtugon sa mga usaping pangkapaligiran at paghahanda ng komunidad sa mga posibleng sakuna. Kaakibat nito ang pagsusulong ng adbokasiya ng PNP na ‘Makakalikasan’, na naglalayong palakasin ang pag-iingat sa likas na yaman.

Patuloy na nakikiisa ang PNP sa mga inisyatibang nagbubuklod sa pulisya, lokal na pamahalaan, at komunidad para sa isang mas ligtas at malinis na kapaligiran. Sa diwa ng bayanihan, ipinakikita ng naturang aktibidad na ang sama-samang pagkilos ng bawat sektor ay mahalagang hakbang tungo sa isang luntiang Pangasinan at mas ligtas na pamayanan para sa lahat.
Source: 105th MC, RMFB1 (https://www.facebook.com/share/p/1ENeiG7aef/?mibextid=wwXIfr)