Community Outreach Program, isinagawa sa Rosales, Pangasinan
Matagumpay na isinagawa ang isang Community Outreach Program sa Rosales, Pangasinan sa pangununa ng AGAGI Group of Vloggers at Lokal na Pamahalaan ng Rosales sa Barangay Zone 1 noong Oktubre 4, 2026.
Nakiisa sa aktibidad ang 104th Maneuver Company (104th MC), Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) sa pangunguna ni PLT James Paul G. Abellera, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Raymond Rhyss T. Walin, Acting Company Commander (ACC).

Kabilang sa mga tampok ng programa ang supplemental feeding at gift-giving activity, kung saan nakatanggap ng mga munting handog ang mga benepisyaryo at mga nanalo sa iba’t ibang aktibidad na inihanda para sa komunidad.
Higit pa sa pamamahagi ng pagkain at mga regalo, nagsilbi rin ang programa bilang pagkakataon upang higit na mapalapit ang kapulisan sa mamamayan at maipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan ng Pambansang Pulisya, lokal na pamahalaan, pribadong grupo, at komunidad.