400 BPAT members sa Bacnotan, sumailalim sa Refresher Training
Humigit-kumulang 400 miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) mula sa 47 barangay ng Bacnotan, La Union ang sumailalim sa BPATs Refresher Training na isinagawa ng Bacnotan Municipal Police Station noong Oktubre 5, 2026 sa Function Hall, 3rd Floor ng Bacnotan Public Market.
Pinangunahan ni PMAJ Mark Glenn L. Caltino, Chief of Police, ang naturang pagsasanay na naglalayong higit pang palakasin ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng mga BPAT members sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pag-iwas sa krimen, pagtugon sa mga emergency, at pagtataguyod ng kaligtasan sa kani-kanilang komunidad.

Naging katuwang ng Bacnotan Police Station sa aktibidad ang Lokal na Pamahalaan ng Bacnotan, sa pamumuno ni Mayor Divina C. Fontanilla, bilang suporta sa patuloy na pagpapalakas ng mga barangay officials bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng seguridad sa bayan.
Sa pamamagitan ng refresher training, higit na pinagtibay ang koordinasyon at pagtutulungan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at BPATs upang maging mas handa at epektibo ang mga barangay sa pagtugon sa mga usaping may kinalaman sa seguridad at kaligtasan ng mamamayan.
Patuloy namang isinusulong ng Bacnotan Police Station ang mga programang nagpapalakas sa community-based peacekeeping at pakikipagtulungan sa mamamayan tungo sa mas ligtas at mapayapang Bacnotan.