RPSB Team, Nagsagawa ng community outreach program sa Camarines Norte
Pinalakas ng Regional Public Safety Battalion (R-PSB) Calabasa ng Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company ang pakikipag-ugnayan nito sa komunidad ng Indigenous Peoples (IP) sa pamamagitan ng “Almusal Kasama ang mga Manide” noong Oktubre 5, 2026, sa Manide Tribe Community sa Barangay Calabasa, Labo, Camarines Norte.
Sa pangunguna ni PCpl Windel Mark L. Ojo, Team Leader ng CN 2nd PMFC R-PSB Calabasa, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Merben Bryan M. Lago, Force Commander, at pakikipag-ugnayan sa Barangay Council ng Calabasa, namahagi ang mga tauhan ng libreng almusal sa mga miyembro ng Manide Tribe. Naging pagkakataon din ito upang makausap at mapakinggan ang kanilang mga saloobin at pangangailangan. Isinagawa rin ang house-to-house visits upang higit pang mapalapit ang serbisyo ng pulisya sa komunidad.
Bahagi ang aktibidad ng Project T.R.I.B.O. (Teach and Reach-out with Indigenous People and Build Outmost Rapport), isang best practice ng Camarines Norte 2nd PMFC na naglalayong mapanatili ang ugnayan sa mga katutubo, mapalapit ang serbisyo ng pulisya, at mapalakas ang tiwala at kooperasyon ng komunidad. Ayon kay PBGEN RANDY GLENN G. SILVIO, Regional Director ng PRO 5, nananatiling nakatuon ang PNP sa paghahatid ng serbisyo sa bawat komunidad sa pamamagitan ng makabuluhang pakikipag-ugnayan at tunay na pakikipagtulungan, alinsunod sa “Bagong PNP sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”