Malinao MPS, naghatid ng ayuda at kaalaman sa mga bata sa Albay
Nagsagawa ng outreach program ang mga tauhan ng Malinao Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PMAJ EDITO RAYMUND B. TORRE, Officer-in-Charge, noong Oktubre 16, 2026, sa Payahan Daycare Center, Barangay Payahan, Malinao, Albay.

Kabilang sa mga aktibidad ang feeding program, pamamahagi ng sabon, at pagbibigay ng Information, Education and Communication (IEC) materials at kaalaman hinggil sa kaligtasan at pag-iwas sa krimen. Humigit-kumulang 24 na benepisyaryo ang nakilahok sa nasabing programa.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng kapulisan, mga bata, at kanilang mga magulang, gayundin ang mahikayat ang pagkakaisa at pagtutulungan sa komunidad. Patuloy namang isinusulong ng Philippine National Police (PNP) ang kaligtasan, malasakit, at pakikipagtulungan sa mamamayan upang mapatatag ang tiwala at ugnayan ng pulisya at komunidad.