Norala MPS, nagsagawa ng School Visitation and Coordination sa Upper Lamungkot Elementary School
Nagsagawa ang mga tauhan ng Norala Municipal Police Station (MPS) ng School Visitation and Coordination sa Upper Lamungkot Elementary School sa Barangay San Miguel, Norala, South Cotabato, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaligtasan at seguridad sa mga paaralan.

Namahagi ang mga pulis ng Information, Education, and Communication (IEC) materials at nagsagawa ng mga talakayan tungkol sa Anti-Bullying at Oplan BES (Balik-Eskwela Safety) upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-iwas sa pambu-bully at pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran sa paaralan.

Bahagi ang aktibidad ng patuloy na pagsisikap ng Norala MPS na palakasin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, dagdagan ang presensya ng mga pulis sa mga paaralan, at matiyak ang proteksiyon ng mga mag-aaral. Sa ilalim ng PRO 12 Campaign Plan Eskwelahan, nananatiling nakatuon ang Norala MPS sa pagtataguyod ng isang ligtas at makabata na kapaligiran para sa pag-aaral.