Pilar MPS, pinalalakas ang seguridad sa barangay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa BPAT

0
856940531_1824854991987383_8165518773791904793_n

Pinalalakas ng Pilar Municipal Police Station (MPS), sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ ACHILLES P. FANGCO JR., OIC, ang seguridad sa komunidad sa pamamagitan ng pakikipagdayalogo sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Barangay San Esteban, Pilar, Capiz.

Tinalakay sa aktibidad ang kahalagahan ng aktibong pagpapatrolya, agarang pag-uulat ng mga insidente, at mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng Philippine National Police (PNP), mga opisyal ng barangay, at BPAT upang maagapan ang mga suliranin sa kaligtasan at maiwasan ang krimen.

Layunin ng inisyatibang ito na higit pang palakasin ang pakikilahok ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan tungo sa isang ligtas at mapayapang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *