Malay MPS, nagsagawa ng information drive para sa Malaynon Ati-Tribe Association, Inc. community sa Aklan
Nagsagawa ang Malay Municipal Police Station (MPS), sa pamumuno ni PLTCOL Orlando A. Carag Jr., ng information drive para sa mga miyembro ng Malaynon Ati-Tribe Association, Inc. (MATA) sa Sitio So-ong, Barangay Cogon, Malay, Aklan noong Oktubre 18, 2026.

Tinalakay sa aktibidad ang Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, mga ordinansa ng munisipyo hinggil sa pagpaparehistro ng mga sasakyan at curfew para sa mga menor de edad, at mga programa ng NTF-ELCAC. Dinaluhan ito ni Malay Mayor Frolibar S. Bautista, kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan at mga miyembro ng komunidad. Sinundan ito ng pamamahagi ng mga food pack na pinangunahan at itinaguyod ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) at Municipal Peace and Order Council (MPOC) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month na may temang “Empowering Indigenous Peoples.”

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga katutubo sa batas, suportahan ang kanilang kapakanan, at palakasin ang ugnayan ng Philippine National Police, lokal na pamahalaan, at komunidad ng Ati tungo sa isang ligtas, mapayapa, at inklusibong pamayanan.