1103rd Maneuver Company, nagsagawa ng “Handog Pagdasig” outreach program sa Davao Oriental
Nagsagawa ang mga tauhan ng 1103rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 11, sa pangunguna ni PCPT Alkie J. Salih, Officer-in-Charge, ng “Handog Pagdasig” Outreach Program sa Patong Elementary School, Barangay Malibago, Cateel, Davao Oriental.

Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng Emerging Best Practice: Project H.E.A.R.T., bilang suporta sa PNP Focused Agenda at pagsusulong ng katapatan, pagpapalakas ng kakayahan, pananagutan, paggalang, at pagtutulungan.
Namahagi ang mga pulis, katuwang ang lokal na pamahalaan at iba pang stakeholder, ng mga damit, sapatos, laruan, at iba pang pangunahing pangangailangan, gayundin ng mga pampalamig, upang maghatid ng saya at pag-asa sa mga bata.

Sa pamamagitan ng programang ito, ipinakita ng 1103rd Maneuver Company na ang paglilingkod ng kapulisan ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi pati sa pagtulong sa komunidad at pagpapalakas ng ugnayan ng PNP at mamamayan.