QCPD, nagsagawa ng anti-carnapping awareness drive sa mga criminology student
Nagsagawa ang Quezon City Police District (QCPD), sa pamamagitan ng District Anti-Carnapping Unit (DACU), ng Anti-Carnapping Awareness and Modus Operandi Information Drive para sa mga criminology student ng Metro Manila College sa Jordan Plains Subdivision, Barangay Kaligayahan, Quezon City, noong Oktubre 21, 2026.

Pinangunahan ni PLtCol Hector Ortencio, hepe ng DACU, ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Christopher Olazo, Acting District Director ng QCPD. Tinalakay sa programa ang mga batas at parusa kaugnay ng carnapping, mga paraan upang maprotektahan ang mga sasakyan, at mga modus operandi ng mga salarin upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan sa pag-iwas sa krimen.
Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, layon ng QCPD na higit pang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pag-iwas sa carnapping at mahikayat silang maging katuwang ng pulisya sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad ng komunidad.