2nd La Union PMFC, nagsagawa ng OPLAN BES sa Naguilian Central School

0
889936580_2678037619334817_2815071319683486786_n

Nagsagawa ang mga tauhan ng 2nd La Union Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Regional Public Safety Battalion (R-PSB) Team ng OPLAN BES (Bisita Eskwela I Am STRONG) sa Naguilian Central School, Barangay Ortiz, Naguilian, La Union noong Nobyembre 6, 2026.

Pinangunahan ni PCpl Michael Jayrald Pagar ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Socrates S. Jaca, Force Commander. Tampok sa programa ang pagbibigay ng kaalaman hinggil sa Safe Spaces Act of 2019, Republic Act No. 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act, NTF-ELCAC, at kampanya laban sa bullying upang maisulong ang ligtas, maayos, at inklusibong kapaligiran sa paaralan.

Hinimok din ang mga mag-aaral na maging mapagmatyag at agad na magsumbong sa mga awtoridad tungkol sa mga kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga upang makatulong sa pagpapanatili ng ligtas at drug-free na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *