BSP nakatakdang magdonate ng isang armored van sa Bicol PNP

0
viber_image_2026-11-04_14-55-43-806

Nakatakda umanong magdonate ng isang armored van ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pamunuan ng Bicol PNP, ito ay matapos bumisita sa Police Regional Office 5 si Mr. Raymund C. Mann, Chief Security, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Legazpi sa PRO5 Headquarters nito lamang November 3, 2026.

Siya ay mainit na tinanggap ni PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, Regional Director ng PRO5, kung saan nagbigay rin ito ng token of appreciation kay PBGEN Silvio.

Nagpasalamat naman ang buong pamunuan ng Bicol PNP sa BSP sa patuloy nitong suporta sa
Philippine National Police, at sa mga inisyatiba ng himpilan upang matiyak ang ligtas, maayos at produktibong mga komunidad hindi lamang sa mga mamamayan sa Bicol kundi sa buong sambayanang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *