Kapulisan at BPATs, pinaigting ang seguridad at kaayusan sa Santa Ignacia
Nagsagawa ng pagpapatrolya ang mga tauhan ng Santa Ignacia Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PCMS Marvin Rebolledo, kasama ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), sa Barangay Pilpila, Santa Ignacia, Tarlac noong Nobyembre 6, 2026,
Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ ERICA A. EVANGELISTA, Acting Chief of Police, Santa Ignacia MPS, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na labanan ang kriminalidad at maiwasan ang mga krimen upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bayan.
Hinihikayat ang publiko na tumawag sa Unified 911 Emergency Hotline upang agad na makahingi ng tulong sa pulisya at makakuha ng agarang serbisyong pang-emerhensiya. Ipinapakita nito ang sama-samang pananagutan ng komunidad at ng kapulisan sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang kapaligiran para sa lahat.