Torrijos MPS, naghatid ng kaalaman sa batas at karapatan ng mga kabataan sa Tigwi National High School

0
892060334_2004972674198093_2182384579622995477_n

Naghatid ng kaalaman hinggil sa mahahalagang batas, karapatan at proteksyon ng mga menor de edad ang mga tauhan ng Torrijos Municipal Police Station (MPS) sa pamamagitan ng isang information drive at talakayan para sa mga mag-aaral ng Tigwi National High School.

Pinangunahan nina PCMS Shelly Mauricio, PSSg Romel Flojo, PCpl Maria Ilhona Jane Panganiban, at Patrolwoman Shiena May Pondevia ang talakayan na nagbigay-diin sa mga umiiral na batas, karapatan at pangangalaga sa mga menor de edad, mga responsibilidad ng kabataan, gayundin sa mga kaukulang legal na pananagutan at parusa sa mga paglabag sa batas.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral upang maging gabay sa paggawa ng responsableng desisyon, paggalang sa karapatan ng iba, at pagiging disiplinado at sumusunod sa batas na mamamayan. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng paaralan sa mga pulis sa kanilang oras, kaalaman at patuloy na malasakit sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *