2nd La Union PMFC, nagbigay police visibility at seguridad sa Dr. Hermogenes F. Belen Elementary School
Nagsagawa ng police visibility at seguridad ang mga tauhan ng 2nd La Union Provincial Mobile Force Company (PMFC), Regional Public Safety Battalion (R-PSB) Team, sa Dr. Hermogenes F. Belen Elementary School sa Barangay Natividad, Naguilian, La Union noong Nobyembre 4, 2026.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Socrates S. Jaca, Force Commander, bilang bahagi ng hakbang ng kapulisan upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na insidente sa loob at paligid ng paaralan.

Layunin ng police visibility na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guro at iba pang kawani ng paaralan, gayundin ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.