Sangguniang Kabataan, nakilahok sa Unang Yugto ng Dagyaw 2023 sa Lungsod ng Tuguegarao
Masayang nakilahok ang mga Sangguniang Kabataan sa Dagyaw 2023 sa inisyatiba ng DILG Region 2 na pinangunahan ni Agnes De Leon, Regional Director na ginanap sa Crown Pavillion, Tuguegarao City nito lamang ika-17 ng Agosto 2023,
Mahigit tatlong daan ang lumahok sa nasabing aktibidad kasama ang kapulisan ng Tuguegarao City sa pamumuno ni PltCol Richard R Gatan, Chief of Police, mga mag-aaral sa kolehiyo at kinatawan ng iba pang ahensiya ng pamahalaan. Ang naturang aktibidad ay may temang “Itigil na ang Estigma, Basagin ang Katahimikan: Pagharap sa mga Hamon sa Kalusugang Pangkaisipan ng Kabataan”.
Tampok sa aktibidad ang pagtalakay sa paksang pangkalusugang kaisipan ng mga tagapagsalita mula sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Cagayan State University, Cagayan Valley Medical Center, Oasis Psychological Testing and Counselling Center at Regional Association of Practitioners of Student Services.
Ang Dagyaw ay isang terminong Hiligaynon na ang ibig sabihin ay “Bayanihan” o “pagsasama-sama, na may layunin na magbigay ng tulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagkakaisa sa sektor ng gobyerno, non-government organizations at mga mamamayan.
Source: Tuguegarao City Police Station