RCSP Serbisyo Caravan, umarangkada sa Sultan Kudarat

Umarangkada ang Local Government Unit-Kalamansig dahil sa Retooled Community Support Program (RCSP) Serbisyo Caravan sa mamamayan ng Brgy. Limulan, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang Pebrero 22, 2023.

Ang naturang programa ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Kalamansig katuwang ang Kalamansig PNP, Philippine Army at iba pang sangay ng gobyerno.

Umabot sa mahigit 500 na pamilya ang nabigyan ng tulong hatid ng RCSP Serbisyo Caravan gaya ng food packs, libreng medical check-up, libreng bitamina, feeding program, operation tuli at libreng gupit.

Bakas naman ang tuwa at pasasalamat naman ang tugon ng mga benipisyaryo sa naturang programa.

Layunin nito na mabigyan ang mga residente ng pangunahing serbisyo lalo na sa mga nakatira sa liblib o malalayong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *