KKDAT, nakiisa sa Feeding Program sa Mayantoc, Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at terorismo (KKDAT) sa isinagawang feeding program sa Barangay Binbinaca, Mayantoc, Tarlac nito lamang Linggo, ika-8 ng Oktubre 2023.

Nanguna sa aktibidad ang mga tauhan ng Mayantoc Municipal Police Station katuwang ang Bureau of Fire Protection at mga Advocacy Support Group.

Namahagi ng libreng sopas sa mga bata at matatandang residente ng naturang lugar. Patuloy ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa pagsuporta sa programa ng pulisya at maging insipirasyon sa kapwa nila kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *